Friday, April 1, 2011

Wishlist #9

 
wishlist#9
Mayroong kakaibang kaba at kilig ang aking nararamdaman tuwing mababasa ko ang iyong mga sinulat, di dahil nais kong malaman ang bawat pakiramdam mo, di rin dahil sa isa ako sa mga taga subaybay ng mga isinulat mo kundi masayang basahin ang bawat salita na punung puno ng aral, pagmumuni muni at higit sa lahat pagmamahal sa buhay at pag ibig.
Natatawa ako kapag galit ka, masaya ka at punung puno ng pag ibig ang iyong mga likha sobra kasing napakatotoo. Punung puno ng iba't ibang emosyon at galing na di ko mawari.♥

Hindi ko alam kung isa nga ba akong katuparan sa wishlist #9 mo at ako ang binibining tinutukoy mo. Pero kahit hindi man ako sa dalawang iyon masaya akong tuparin ang bawat pangarap na iyong gustong makamit, kasama mo man ako o hindi. 

Lagi ko rin ipinagdarasal sa Kanya na bigyan niya ako ng isang katutak na rason para harapin ang bawat araw na punung puno ng pagmamahal para sa iyo sa aking sarili at sa lahat ng taong mahal ko at mahal ako. Higit kung pinagdarasal na sana ikaw na at ikaw na at ikaw na (paulit ulit) at ito na ang huli..


Masayang balikan ang nakaraan natuto na ako at muling matuto mula sa iyo. Isang pag asa na muli kung nakamit. Salamat sa iyo PK. Mahal kita alam mo iyon.. At patuloy kitang mamahalin sa bawat araw at sa susunod na araw. Matapang kung haharapin ang bawat araw at bukas makasama ko lang ikaw:) 

No comments:

Post a Comment