Friday, April 15, 2011

Handa

hiding
Habang binabasa ang samu't saring blogs ng aking mga kaibigan at yabs ko! Napaisip ako bigla (toinks) handa na ba ako lumabas sa pinag kukublian ko! Mukhang ako lang naman ang Fan ng blog na ito..

breaking free
Sinasariwa ang bawat panahon na malungkot at masaya ako! Mahirap kaya magkubli, magtago gusto ko rin kayang lumabas, ngunit lagi kong tanong handa na ba akong lumabas sa pinagkukublian ko at magpakita na kahit wala akong hilig na magsulat nais kong iparating din ang bugso ng aking damdamin..

standing by you ready to be out soon
Nalaman ko at natutunan ko na ang pagsusulat ay masaya di lang dahil naipaparating mo ang bawat damdamin kundi maari mo pang balikan ang bawat istorya sa likod ng lungkot at saya sa sinulat.. Masaya kung naipapadama na malaya ako.. Sana matutuhan ko ding lumabas sa pagkakakubli ko.. Promise lalabas din ako kapag buo na ang damdamin ko na iparating na ito na ako malaya at malayang ipapahayag ang damdamin sa ngayon dito muna tayo..


Pangako kapag handa na ako!♥

No comments:

Post a Comment