Monday, April 25, 2011

Pagtangis ng Mumunting Tinig

Kagabi ko pa ito nararamdaman. Inaaliw ko na nga ang sarili magFB at manood ng pelikula! Ngunit sa paghiga ko habang pinipikit ang mata may mumunting luhang pumatak sa aking mga mata! Nais ko magtanong.

Tulog na ang mga tao, madilim ang kuwarto at tahimik na ang buong paligid. Ang tinig ng naghihikbing nilalang lamang ang maririnig. Nais ko siyang tanungin, bakit ka tumatangis? Bakit malungkot parin ang mga luhang pumapatak sa mga mata mo? Nais ko siyang yakapin ng mahigpit upang pawiin and lungkot na nadarama nya! Tahimik ang gabi, ang kanyang pagtangis naririnig mo din ba? Nararamdaman mo din kaya ang sakit na nadarama nya? Pipigilin nya pa ba ang pagpatak ng luha dahil takot na siyang masaktan muli? Bakit nagmamahal pa rin siya, kung alam nya na masasaktan muli siya?

Maramot ba siyang magmahal kaya ganto ang kinahahantungan ng pag ibig na inaasam asam niya? Ramdam ko ang sakit na tangan nya. Darating din ang tamang oras para sakanya. Sa ngayon maging buo muna habang naghihintay ng tamang pagkakataon.

Kung kaya ko lang alisin lahat, kung kaya ko lang na di ka na masaktan muli. Kung kaya ko lang yakapin lahat ng sakit na nararamdaman nya! Hiling kong maging masaya sya. Hiling kong wag muna siyang bumitiw, hiling kong muli pang pumintig ang puso nya, hiling kong makayanan nya at hiling kong wag siyang matakot na magmahal at masaktan muli. Hiling kong maging maayos ang lahat para sakanya.

Katulad nya may mga tao din na nakakaranas ng pinagdadaanan nya ngayon, maging matatag  sana siya habang hinaharap ang mga ito. Sumigaw ka malayang tinig kung di man marinig ang iyong hinagpis meron pa din handang makinig, nakakaintindi at handang yakapin ka.
Para saiyo ito sarili, nais kong maging matatag ka yakapin mo ang lahat ng buo sa puso mo. Masasaktan tayo ngunit lilipas din ang lahat ng ito. Mabubuo mo rin muli ang sarili.

You may be going through rough times now. You may be going through severe trials. Sometimes, you wonder if you can overcome your problems.

Don’t give up!

Because you know that at the end of the day, you’re going to win. Because God is with you. The Bible says, If God is for you, who can be against you? In fact, even death can’t win over you. Like Jesus, you too will rise. Death will be conquered.  And you will live forever. Yes, we have something to look forward to!

Something to do, Someone to love and Something to look forward too. Don't give up:)

2 comments:

  1. hmm... words of bo sanchez right? yes, dont give up.. because at the end of the day, you know you will win..

    after all, winning may mean a lot of things.. :)

    ReplyDelete
  2. Tama, naisip ko din yun habang sinusulat to.. Nakakawendang minsan ang feelings. minsan ate dai ko maintindihan! pero working out with it! thaanks much ate:) we always win when we don't give up:) hugs

    ReplyDelete