May mga bagay tayo na minsan akala natin perpekto na, na wala ng hanggan, minsan naiisip natin na sadyang mapaglaro ang tadhana… Di natin namamalayan may mga bagay na magpapasaya sa atin ng higit kahit hindi man ito masukian ng sobra.
Hangad ko ang kaligayahan ng taong minsan gustong maging malaya at mapag isa ng saglit sa kanyang tinatahak na daan. Hangad niyang wag masaktan ang kanyang iniirog, na di lumuha sa kanyang pamumuni muni.
Akala ko noon walang ibig sabihin ang mga katagang, ‘gusto ko muna mapag isa para mahanap ko ang sarili ko, para malaman ko kung ako pa nga ba ito’. Alam ko na sa bawat katagang ito ay may matapang na nilalang, ayaw tumangis at mangamba.
Matapang nya pa rin sinasabi ng may ngiti sa kanyang mga labi na kaya nya pa rin at hahawakan nya pa rin ang mga pangakong minsan na kanyang binitawan. Masasasaktan siya, mapapagod ngunit alam nya na ayaw nya makitang lumuha ang taong nagpapahalaga at nagmamahal sakanya, sa kanyang pagnanais na kumawala muna, hangad at nais nya pa rin alagaan at tulungang lumago ang butil na inalaagan at minahal ng taon. Batid ng puso ko ang hangad niyang manatili at ipaglaban ang kanyang nasimulan.
Madami na akong narinig na kuwento, kanta at tula, nagpapahiwatig ng panandaliang kalayaan, hanapin ang sarili at muling masilayan ang paghahangad na mahalin ang sarili ng buo upang maibigay din sa iba ng buo ang pagmamahal na iyon
Kakaiba ang kuwento nya, kakaiba ang pagpapahalaga nya sa kanyang nasimulan. At alam kong kakaiba siyang magmahal.. Hangad kong maging matapang siyang muli upang harapin ang mga bagay na nais nyang matupad kahit nag iisa…
Saiyong paglalakbay patungo sa Pluto sabi mo nga, saan ka man dalhin ng mga desisyon mo alam mo naman kung saan ka patutungo. Sa muli mong pagbabalik sakanya hangad kong mas maging matatag kayong dalawa at harapin ang bukas na magkahawak ng mahigpit ang mga kamay habang naglalakbay.
Ang iyong kahilingan sanay matupad… ngiti lang J, ngiti lang……
sadyang mahiwaga ang tibok ng puso.. ang bawat desisyon ay maaaring magdulot ng pangamba, pagtataya, pagpasya at pagpapalaya..
ReplyDeleteanuman ang maging bulong nito sa huli, maituturing pa rin na malaking pagtataya at siguradong pinaglaanan ng natatanging tapang...
sa bawat paglayo, aasang mas mapapbuti ang lahat pati na ang sarili.. :)
Tama, mas mabuti kung hindi pipilitin ang puso. Mas mapapabuti ang lahat:) Thanks Maya! dami ko na pala itatanong sayo hehe pag di ka na masyadong busy:) usap tayo..
ReplyDeletegood luck with that journey to pluto. it's orbit is unnatural and changes its trajectory for some reason even the hubble could not fathom.
ReplyDeleteand as of leaving --- there will be times when hurting can be cleansing and purifying.