Wednesday, May 4, 2011

Llodie and Toni

Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Pano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sayo? Maaring nakita mo na siya pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.
May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sakanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa.

“Irene: Sabi mo maganda naman ako,mabait, masayahin..bat iniwan nya parin ako?
Irene: Partida ah my amnesia na ako,pero ang sakit pdin..T.T

Apollo: Kung natatatangal lang ng isang yakap ang kasalan,kahit habang buhay ko syang yakapin mawala lng yung nararamdaman nya..
Tatay ni Apollo: Nabubura man ang nilalaman ng isipan ang puso hindi..”

“Ulan ka ba? Kasi lupa ako. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo.”
“Apollo: tumangkad ka ba?
Irene: Bakit?
Apollo: Dati kasi d2 ka lang sa balikat ko…
pero ngayon nasa isip na kita..”

“Irene: Ano bloodtype mo?
Apollo: type A.
Irene: Ay..Akala ko type ko..”

“Maging cactus ka man, handa akong masaktan… mayakap ka lang.”
“May MMDA ba dito? Nagkabanggaan kasi ang puso natin.”
“May lason ba ang mga mata mo? Kasi nakakamatay ang mga titig mo.”
“Ang true love ay para sa matatapang na tao lamang.”
“Sana pabango ka na lang para lagi kitang suot.”

“Apollo: Nasan ka kagabi?
Irene: Nandito lang ako ah!
Apollo: Kaya pala wala ka sa panaginip ko”

“Kuto ka ba? kasi lagi kang nasa ulo ko.”
“Apollo: Lumiliit ka ata ?.
Irene: Huh?
Apollo: Kasi dati nasa isip lang kita, ngayon nasa puso na kita!”

“Sa araw ng birthday mo may dalawang tao kang mamimiss ung mahal mo at ung taong pinaka ayaw mo”
“Ipikit mo ang mga mata mo. Kasi sabi nila, kapag nakapikit ka, dun mo malalaman ang totoo mong nararamdaman.”
“Kung pwede lang mawala lahat ng kasalan sa pamamagitan ng yakap, habang buhay kitang yayakapin.”
“Kung ikakasal ka saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo.”
“Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit paulit-ulit. Kahit araw-araw.”

“Alam mo, para kang tae… Hindi kasi kita kayang paglaruan.”
“Ihi ka ba? …Hindi kasi kita matiis eh.”
“Para kang alak… ang lakas ng tama mo sa akin.”

Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba ‘ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.

Apollo: Bakit mo ba hinihintay ang isang tao?
Irene: Kasi takas sa bilibid?
Apollo: Hindi, kasi gusto mo siya.

“Hika ka ba? Coz u take my breath away”
Pustiso ka ba?kasi i can’t smile without you…

Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin ‘yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.

Apollo: Magdala ka ng salbabida.
Irene: Bakit? Maliligo ba tayo?
Apollo: Hindi, baka malunod ka sa pagmamahal ko.

Irene: Sino ako?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Photographer ka.
Irene: Mali. Pulis ako. Ikaw kasi ang most wanted ko.

Irene: Para kang teleserye…. kasi nakakadik kang subaybayan.
Apollo: Para kang pelikula…. kasi ang sarap mong panoorin.

I miss you llodie:)♥

No comments:

Post a Comment