Siguro ito na yung pinaka korny, baduy na isusulat ko haha.. Kanina sa 7th flr habang sinamahan ko ang aking kaibigan si Ms. Bonana.. haha Wala kuwentuhan lang kami tungkol sa mga kalokohan na mga nagawa namin. Toinks.. Naisip ko lang habang kinukuwento ko sakanya kung pano saan at kelan kita nakilala. Paanu nga ba talaga.? Haha mahaba kung ikukuwento ko dito. Sadyang di lang mawaglit ang mga panahon ang mga oras na minsan napalayo ka sa piling ko..
Dalawang taong di kita nasilayan, hindi nakausap at walang balita. Hanggang sa kamusta lang, hanggang sa tanong lang sa malalapit mong kaibigan 'Saan na ba siya ngayon?' "Kelan siya babalik dito? 'Bumibisita pa ba siya dito?' 'Ikimusta mo naman ako sakanya' 'Pagpumunta kaya ako doon magkikita kami' laging may ngiti pero nababalot ng lungkot ang bawat tanong. Naiisip rin kaya nya ako habang tinatanong ko siya sa kanyang kaibigan.
Pero ngayon ang mga katanungan na yan may mga sagot na. May mga katuturan na. Haha naisip ko lang habang ikinuwento sa aking kaibigan. Salamat sa isa pang pagkakataon. Salamat sa pagmamahal na tunay at lubos kung pinakaiingatan! Salamat at natagpuan muli kita. Isang daan at isang porsyento at nagbibilang pa! Ayeee Kilala mo kung sinu at sino yung taong yun! :) Di ka lang mawaglit sa isip at puso ko♥
No comments:
Post a Comment