Wednesday, June 1, 2011

Perfect MAtch

Meron nga bang tinatawag na perfect match , perfect couple at perfect love for two perfect people! toinks mukhang impossible pero kakaiba lagi ang dala ng pag ibig sa bawat puso at damdamin ng tao! Kilig at may ngiti na nagmumula sa bawat labi ng taong umiibig at iniibig:) Saya ma inlove!



May kakaibang kilig lagi kapag pag ibig ang pinag uusapan. Sabi ng aking guro noon sa pilosopiya ang pag ibig ay isang choice. Masaya ang pag ibig sa anumang aspeto malalim, mapaglaro, at minsan nakakasakit! Sa laro ba ng buhay ipapanalo, ipapatalo o sasaliwan ang himig na tinatawag na pag ibig.


Sabi sa isang kanta 'Sana’y di magmaliw ang pagtingin Kaydaling sabihin , kayhirap gawin Sa mundong walang katiyakan' (Ikaw at Ako Johnoy Danao). Laging walang katiyakan dahil laging may pagbabago pero nasa tao na din yun kung sa bawat pagbabago ang bawat pagmamahal nila sa isa't isa'y di matatabunan ng kahit anumang pagsubok. At kung patuloy pa nilang pipiliin na ibigin ang isa't isa.



Tanda niyo ba ang commercial ng Nestle kapag napapanood ko ang patalastas na iyon, isang ngiti ang laging nauukit sa labi ko! Masaya kasing panoorin ang dalawang taong punung puno ng pagmamahal sa isa't isa kahit gaano pa sila katagal nagsasama nagkikita araw araw madadama mo parin ang init ng pag ibig nila.

Marami na akong narinig na kuwento tungkol sa pag ibig, may mga nabigo may mga nagtagumpay may mga nasaktan ngunit pinili pa rin na magmahal ng tunay at buo. Ang kuwento ng pag ibig ko mahiwaga at alam kong di ko na ipagpapalit. Masayang umibig lalo na kung totoo. Sa paglalakbay ko isa lang hiling ko makasama ko siya hanggang sa huli.♥

Ikaw anong kuwento ng pag ibig mo?

Dalawang puso, dalawang kaluluwa sa iisang awit at himig ng pag-ibig.

No comments:

Post a Comment