Sunday, February 20, 2011

Banchetto:)

May Paborito akong puntahan tuwing Friday, di dahil alam kung maraming pagkain roon na tinitinda ng iba't ibang tao gustong kumita, di rin dahil gusto ko lamang sumabay sa uso kundi dahil gustong gusto kong balikan ang araw na nakasama kung muli ang isang taong mahalaga sa aking buhay:)

Isang pagbabalik tanaw sa araw na muli kung nakita ang iyong mukha narinig ang mga tawa at halakhak mo at ang mga kuwento mong di nakakasawang pakinggan.. Masaya ang puso kung bumalik kang mulli sa buhay ko. At for sure lagi akong babalik sa lugar na ito, di dahil maraming pagkain kundi masaya ang puso kung balikan ang lugar na nakasama kitang mulli. Sana makasama kitang muli sa Banchetto at muli kong masilayan ang mukha mo, marinig ang mga tawa mo at muling makinig sa mga kuwento mo...

Sa kabilang dako......

Sharing moments, kuwentuhan at bonding with my Bestfriend Krissa...
Mahilig mangalok ang aking kaibigan ng di ineexpect. Dahil di pa daw siya nakakapunta ng Banchetto inaya nya ako pumunta muli sa aking paboritong lugar....


Sharing inaasal na sweetcorn together habang nagkukuwetuhan tungkol sa buhay buhay sa mga nangyayari sa bawat araw na di kami magkasama...

Nasa isang kompanya kami ngunit magkahiwaly ng building na pinagtatrabahuhan..

Siya si Krissa ang aking matalik na kaibigan.. Magkaibigan muli ng kami ay nasa elementarya at hanggang ngayon.. Di kami napaghihiwalay.. Siguro ngayon lang dahil sa maraming dahilan.. Minsan na lamang kami nagkakasama halos email at text na lang kami kung mag usap.. Kaya dahil namiss kita kahit gabi na akong natatapos sa aking trabaho at pagod.. Ayan pinagbigyan kita.. (chos!)

Isang masayang gabi nagpapalitan ng kuwento at tawanan na walang humpay..:)


 Half corn for my bestfriend.. With her smiles someone really admires her ng malupet! haha

Isa lamang ang pangarap niya mahanap niya ang kanyang tunay na pag ibig... Hayaan mo kaibigan sa iyong paglalakbay masasalubing mo din ang taong hinubog para saiyo.. Mahahanap ka rin nya,, Be patient ok. Punuin mo ng pag asa at pag ibig ang iyong puso habang naghihintay sa kanya na masilayan ang mga ngiti mo!




Ang makulit na ako:) haha.. Namimiss ko na siya!
Naghihintay pa rin ako!

Masaya muli akong bumalik sa lugar na ito... Sana sa muli kung pagbabalik kasama ko na siya ulit:)

Masayang naghihintay ang puso ko na muli kang masilayan... Mahal kita mula sa puso ko:)

No comments:

Post a Comment