Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao,
humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya.
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!" At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
Grabe talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko.
Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko.
Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng
HAPPY VALENTINES!
No comments:
Post a Comment