Noong bata pa ako, isa lang ang gustong gusto kong makamit sa buhay ang maging isang guro, tuturuan ang mga batang sadlak sa kaalaman.
Hanggang sa tumuntong ako ng elementary naiba na ang pananaw ko sa buhay nais ko ng maging abogado, dahil siguro sa mga napapanood ko sa telebisyon gusto magkaroon ng hustisya ang bawat mamayang naapi ng mga abusadong mga tao. Nais ko silang ipagtanggol dahil naawa ako sa kalagayan nila. Nasabi ko rin noon na hindi ako tatanggap kliyente na siya mismong kakasuhan ang tatanggapin ko lamang ay ang mga taong kelangan ng katarungan. Pursigido na ako at yun na talaga ang gusto ko paglaki ko.
Nakatapos na ako ng elementarya at hanggang sa secondarya dala dala ko pa rin ang pangarap na maging isang abogado, pero last minute na lang ng pagtatapos biglang naiba ang kaisipan ko. Dahil sa nainspire ako sa pagawa ng Tito ko ng bahay nangarap muli ako maging isang engineer. Mahirap daw ngunit gustong gusto ko rin magawa ng bahay kagaya niya.
Sa aking nalalapit na pagtatapos isang malungkot na balita ang aking natanngap, di muna ako mag aaral at kelangan kong tumigil pansammantala ng isang taon. May kalungkutan ako nadama, ngunit dahil mapangarap akong tao hindi tumitigil mangarap kahit impossible, isang tawag ang gumulat sakin isang umaga at nagpasaya sa nalulumbay kung katawan. Ako raw ay pumasa sa isang scholarship at pwede na akong mag aral. Hindi man sa isang prestihiyusong paaralan ito ay pumasok pa rin ako at tinanggap ang scholarship. Natapos ko ang kurso at nakagraduate din, ngunit isang taon lamang iyon at nais ko pa rin maging engineer. Maliban sa pagiging engineer ninais ko rin maging nurse ( ang dami ko nga naman na pangarap at di ko alam pa din ang gusto ko) hanggang sa nakapili kung anu ang kukunin ko at iyon ay maging accountant.
Isa na akong accountant ngayon. Nagtatrabaho sa isang malaking kompanya na kilala sa buong mundo. Natatanong ko pa rin kung naging guro kaya ako asaan kaya ako ngayon. Kung naging abogado kaya ako anong kaso kaya ang hawak ko ngayon? Mananalo ba ako sa pakikippagdebate sa ibang abogado at magkakaroon kaya ng hustisya ang bawat kasong hahawakan ko. Kung naging engineer kaya ako ilang building kaya na ang nagawa ko?
Marami pa akong pangarap sa buhay at siguro di lang talaga sila para saakin. Alam ko hindi lahat makakamit ngunit libre ang mangarap kahit gaano man ito karami. Isa lang ang natutunan ko sa pangangarap, kahit hindi ko man natupad ang isa sa mga iyon, alam ko ngayon masaya ako kung ano man ang napili ko.
Mangarap ka! Mangarap tayong lahat walang impossible. Malaya ka malaya tayong mangarap. Isa lamang ang piliin mo yung magiging masaya ka at alam mong kayang kaya mong tuparin.
Isa ako sa mga nangarap at ito na ako ngayon.! Mangarap ka din hindi pa huli! :)
No comments:
Post a Comment